Linggo, Agosto 17, 2014

ANG AKING IMPRESYON SA DIGMAAN SA GITNANG SILANGAN

                                       
 

             Ang napakalaking gulo sa pagitan ng dalawang bansa ay lalo pang lumalala sa tingin ko ay kailangan na talagang sapilitang palikasin ang mga kababayan nating OFW sa bansang ito dahil hindi talaga ligtas sa ganitong lugar lalong lalo na ang kalusugan ng ating mga kababayan doon . Maaari silang mapahamak dahil hindi na nila kilala ang maaaring pagkatiwalaan . Sa makatuwid banta dito ang kanilang sitwasyon nakasalalay ang kanilang buhay sa mga taong tutulong  , mapapagkatiwalaan at magmamagandang loob sa kanila.




      Ang digmaang ito ay bunga ng pagaagawan ng mga mamamayan sa lupain . sana lang ay maisip nila na maraming tao ang napapahamak at maging ang mga kamag anak nila ay lubhang naapektuhan . Nawalan ng kasiyahan dahil sa gulo ngunit mayroon din namang tao na galit na galit dahil ipinagtatanggol nila ang inaangkingking lupa na dapat ay sa kanila . bagkus ay pag usapan nlang nila ng mahinahon.



      Ang aking impresyon sa digmaan sa gitnang silangan . Ang kaligtasan ng ating kapwa pilipino ay di tiyak hanggat nananatili sila sa ganitong sitwasyon . Ang pagiging maluwag ng ating bansa sa pag alis ng mga OFW para magtrabaho sa bansang puro gulo ay di dapat ipagpatuloy . Makapagtatrabaho nga sila doon kasabay ng pagunlad ng ating bansa , dahil sa kanila ay malalagay naman sa piligro ang kanilang buhay . Marapat lang na noong nagsimula palang ang pag iinitan ay pinigilan na kaagad ng UN upang wala ng madamay . 

      Kawawa naman ang mga mamamayang nangangailangan ng tulong , hindi makarating ang serbisyo ng gobyerno dahil maraming mapanganib na lugar  doon , walang magandang maidudulot ang gulong ito.

       Sana ay itigil na ang gulong ito dahil parepareho ng napapahamak ang buhay ng maraming tao at kung maaari lang ay huwag munang  pumunta sa Libya at Israel ang mga Pilipino . Hindi na dapat pinalalala ang ganitong gulo kung nagkaroon lang sana ng pag kakasundo.





1 komento:

  1. sands casino | Sega Megadrive | Sega MegaDrive
    Sands Casino is an 카지노사이트 online casino with video slots,classic bingo, blackjack, live dealer casino, 샌즈카지노 roulette, keno and kadangpintar an arcade.

    TumugonBurahin